Friday, December 11, 2015

Sa Tamang Panahon.

Sa totoo lang, gusto kong isigaw sa mundo kung gaano kita kamahal. Hindi ko alam kung kayang idaan sa salita, dahil ito lang ang tanging gamit ko para ilabas sa mundo ang pagmamahal na aking nararamdaman para sa iyo, pero susubukan ko. Gusto kong malaman ng mundo kung gaano ako kasaya tuwing kapiling kita. Namamangha ako sa aking nararamdaman, dahil ako'y kinakain nito at niluluwa ng buo kapag ikaw ay aking kasama.

Hindi ko alam kung ito rin ba ang iyong nararamdaman. Hindi ko rin alam kung nais mo rin bang malaman ng mundo kung ano ang nararamdaman mo. Ngunit minsan, may mga panahon na nakikita ko sa iyong mga mata at nadarama ko sa iyong mga yakap, na ito rin, kung hindi man higit pa, ang iyong nadarama para sa akin.

Kung kaya't ito lang ang masasabi ko. Mahal kita. Ng buong buo. Ng walang hanggan. Ng walang pagaalinlangan.

No comments:

darkness

there is no single point of trauma that I can think of to explain how or why i react the way that i do. we were never poor, i was never mole...