Saturday, February 11, 2012

reflections on faith, love and life.

Laging may paanyaya na magmahal katulad ng Ama.

Natatakot lang ba tayo o talagang nagmamahal? Mahal ba natin ang Ama dahil takot tayo o takot ba tayo sa Kanya dahil mahal natin Siya? Sa ibang pamamaraan, ang pagmamahal sa Ama ay maaaring ihalintulad sa pagmamahal natin sa ating mga magulang. Paminsan, takot ang umiiral, paminsan pagmamahal. Pero alin ba sa dalawa ang mas nananaig? Pagmamahal o takot?

Ang Ama, tulad ng magulang natin, ay gustong ibigay ang lahat sa atin. Ngunit, may mga panahon lang na may nais Siyang ituro sa atin na kailangan nating matutunan, kung kaya't hindi Niya agad-agad ibinibigay ang gusto natin. Gusto naman ng Ama na mapasaatin ang gusto natin, ngunit hindi tama na mapasaatin ito kaagad. Kailangan pa rin matuto, at matutong mag-antay.

Hindi lahat ng bagay ay may sagot. Ngunit naniniwala akong lahat ng nangyayari ay may dahilan. Hindi lang natin ito makita ngayon dahil masyado tayong nakatuon sa sarili, at hindi natin matanggap na may mundong mas malaki pa kaysa sa atin.

Masyado na yata akong nasanay na ang mundo ay umiikot lamang sa akin at sa aking mga karanasan. Kinakailangan na yata ng pagbabado sa paligid ko para maintindihan na hindi lang ako ang nabubuhay na tao sa mundo. Hindi lang ako ang may karapatan mabuhay. Lahat tayo ay importante, at kailangan kong makita iyon. Kailangan kong maintindihan, at mag-intindi.

darkness

there is no single point of trauma that I can think of to explain how or why i react the way that i do. we were never poor, i was never mole...